Labels

 
Showing posts with label bamboo band. Show all posts
Showing posts with label bamboo band. Show all posts

Sunday, September 10, 2006

Peace man

Lumabas na ang bagong video ng Bamboo, peace man.



Parang Hale's Blue Sky. Pero mas maganda para sa kin tong sa Hale, syempre kasi C5, saka mas mukhang pinag-isipan kesa sa Peace man.


Ang ending naman ng Peace man ay parang swimming beach ng Parokya. Actually, mas malapit pa nga dun sa ending din ng car commercial nina Chito.


haaay, basta... Sa "masaya" pa rin ako...

Saturday, June 24, 2006

Rock D Fort - Popagenda

By this time siguro, nasasabi mo ng "puro bamboo naman toh!" habang binabasa ito. So last na talaga, at dahil sa dami rin ng mga pangyayari, ndi na rin ako masyadong makapagkwento. Mas gusto ko na lang ireserve for private memories. :)



Medyo ndi successful ang Rock D Fort this year. Mainly because it's football season. Pero blessing in disguise naman sa mga believers (tawag sa mga loyal fans ng bamboo) kasi nasolo namin sina Bamboo. To top it all, maganda pang weather.



Kahit ndi gaano kapuno, ndi tulad sa Bar None, sobrang enjoy pa rin ang naging gigs nila, sulit bayad sobrang bait pa ng banda! Kahit paulit ulit na yun ang kanta, ndi mo pa rin pagsasawaan. Ndi nagbabago ang energy level. Naappreciate lahat ng manonood ang music nila.


Maganda rin ang feedback sa ibang lahi dito. Nagustuhan nila ang songs and performance level ng grupo. Sana nga lang makacontribute ito for them to buy the album. Kulang pa nga sa marketing ito. Kahit kami na mga pinoy dito (yung mga taga-east), ndi alam kung saan bibili ng album nila. Maganda ang exposure nila sa radio though.







Bukod sa Bamboo band, Popagenda also showcased a lot of local and asian bands. Eto ang official site --> http://www.rockonsingapore.com/.

Para sa vids sa barnone, may mga snippets ka ng makikita sa youtube na inupload din ng mga ibang nakanood.


eto, hinahanap hanap kita:


eto, alelujah & noypi


eto, mr.clay



Deserve nila talaga lahat nung Awit awards. With a great album and not so big-egos, they'll go places!

Monday, June 05, 2006

Bamboo sa Bar None

And then they were here. Siguro sa kanila isa lang to sa gig na dapat puntahan. Bibilib ka talaga sa sobrang sipag nila. At kahit paulit ulit, pare parehong energy level ang binibigay nila sa crowd sa kanilang mga performance.

Napakalistless ng crowd that night. Feisty daw sabi ng DJ. We really didn't care. We just wanted to see Bamboo, Ira, Nathan and Vic.

Nakita nyo ba yung pic? Ang lapit ko na nyan huh. Kaya lang everytime eye to eye kami ni Bamboo, talagang binababa ko yung camera at sinusulit ang ala private performance nila with me. Kasi naman, napakaswerte ko sa puesto. Sa lahat, ako lang ang elevated kaya walang magagawa ang group, pag napatingin sila sa kanan nila, ako agad ang makikita.



They sang songs from both of their albums. Mas maraming pinoy songs. They also gave us Hinahanap hanap kita, Ulan and 214. Haaay, college... those were the days.


Wala, ndi pa ko bumababa sa cloud 9. Pasalamat na lang ako Pilipino sila. Four to six years from now, they'll be so inaccessibly famous if they keep up with this kind of songs, samahan pa ng matinding kapit sa pangarap, sipag at tyaga and they'll go places na.

Itong pic sa kaliwa, pagpasenyahan na at ndi good shot. Medyo dazed pa ko sa katitig nung mama. Samahan mo pa nga nung ibang members, wala na ko talagang mafocus.

Ganito muna. Namnamin ko muna lahat. Me part 2 pa sa Rock D Fort.