Labels

 

Wednesday, June 27, 2007

Regalo Ni Lord

Malapit ng mag-ending ang kabanata.
Kaunting panahon na lang, panibago na naman.
Mabuti na lang at kahit papaano may nagbago
May mga pangyayaring nagbigay buhay sa panahon.
Magandang ending sa patapos na tagpo.

Malungkot at Masaya
Pag dumating na ang takda
na dapat ng magpaalam.
Ngunit kahit sa maikling oras
Ako pa ri'y nagpapasalamat.
Dahil sa mga pag-uunlak, sa pagtanggap ng pakikipagkaibigan.
Tunay ngang marami kong natutunan.
Tunay ngang maraming nagpaligaya.

Kaya't sa kaunting nalalabi,
Lulubusin ko na.
Sa lahat na bukas ang loob na ako'y tanggapin
Pupunuuin ang natitirang oras pang ibinigay sa kin.
Babaunin lahat ng iyong panaginip
kwento ng buhay at mga hagikhik
Hanggang sa paunlakan na nga ng Maykatha
Na baguhin ang storya kong hinihibi.

At sa darating na panahon
Na ako'y mamaalam ng totoo
Lahat ng baon mula sa yo kaibigan
Aking bibigyang halagang lubos.
Ndi man tayo magkita ng muli, mabuti't naisip na sadyang maikli
kaya't ang panahong ating ginugol
Tunay kong matatamisin.

Hindi mo pa alam, baka nga mauna ka pa
Magbago rin ng storya dahil sa mga plano sa buhay.

Basta para sa kin, lagi ko tong iisipin
Para bawat saglit, may halaga para sa kin.

Di bale ng walang picture
Di bale ng walang video
Basta't tatatasan ko na lang ang mapurol kong isipan
O dadaanin na lang sa essence of chicken ang lahat.

Yan ang regalo ni Lord.
Bago payagang ako'y lumayag paibayo.
Thank you po.
Malapit na.

No comments: