Labels

 

Friday, February 09, 2007

walking on eggshells

1. Anong ibig sabihin ng plastik?
eto yung pakitang tao na kunwari ayos ka na pero pabalat bunga lang pala sa ibang tao. lumalabas ang totoo minsan pag kayong dalawa na lang o kaya pag mag-isa ka na lang at saka mo gustong sapakin yung tao. pero pag kaharap mo ang ibang tao at sya nagagawa mo pang batiin ang tao.

2. Anong ibig sabihin ng betrayal?
eto yung ginagawa mo pag me sama ka ng loob sa isang tao tapos imbis na sabihin mo sa kanya, sasabihin mo sa ibang kaibigan nya. slander bah.

take note, may kaibahan ang paggawa nito sa kaibigan at sa totoo mong kaaway. sa totoo mong kaaway ang tawag dun ay retribution. wala ka namang sinisira kasing trust, kaaway mo talaga yun. anong mas mabigat? syempre betrayal.

3. Anong ibig sabihin ng remorse?
eto yung nararamdaman ng isang tao pagkatapos magalit sa isang tao. pag nawala ang galit, pride na lang ang natitira. pag ang tao mataas ang pride, iniisip na sila na lang ang huling tao sa mundo at binabalewala ang lahat. resulta, sayang na panahon, sayang na samahan. kadalasan ang taong remorseful ay ndi malayong resentful din.

kung may kakilala kang me mga katangian ganito, kahit isa lang, layuan mo na. lalo yung mahilig sa no. 2, ndi mo lam kung kelan ka me tama o mali. at most likely, kahit kaibigan ang turing mo sa taong ito, malamang sa hindi, sa kanya hindi ka ganun.

kaya nga walking on eggshells.

No comments: