Labels

 

Friday, August 10, 2007

Paulit Ulit Lang Naman.

nagsimula silang magbiro
manuro ng ibang tao
kaya nga napatingin
sa sulok mong tinaguan

nakita ko habang ika'y
lihim na nangiti sa biro nila
kung alam mo lang...
sana'y nakita ko na lang
na iba ang iyong naramdaman

bakit kasi nahulog pa
wala namang katuturan
lam ko namang may pinagbibigyan ka lang
kaya't posibleng bagay gustong pigilan

lalayo na ko talaga
naunahan mo lang naman
kung ayaw mo, eh di ayaw ko rin
hayaang mamuti na lang ang yong mata
habang hinihintay mong pansinin ko ang tawag mong makulit...
naghihintay sa wala.


"laging naniniwala.
ndi nagsasawa.
nahilo sa gayuma.
kaya nawawala.
laging umaasa.
ano bang meron sya?
paulit ulit lang naman.
pinapaikot ka.
walang kadala dala.
napapatulala.
naghihintay sa wala."

No comments: