Labels

 

Wednesday, March 22, 2006

Fw: Blue Moon

Dear Sweetie,

I've waited a long time. Hindi pa rin kita makita. Pasensya na, kung dumating ka na, at pinalagpas pa kita. Kung kilala mo lang sana ako, siguro maintindihan mo pa. Kaso, kahit ako, naguguluhan sa sarili ko.

Hinintay kita, in my own little way. Simula pa siguro nung 12 years old ako. Pero, in fairness, tuwing may namemeet ako, ndi ako napapasigaw ng "this is it"... "eto na"... or "yeeesss".... kasi baka ndi ikaw yung dumating... ayokong magtaksil sa yo =).

Antagal kang pineprepare ni Lord. Mukhang nainip na ko. Or mukhang pineprepare din ako ni Lord, at mukhang naggive up na rin sya sa kin. Ang kulit ko daw kasi.

Sana masaya ka sa buhay mo, ngayon at sa mga darating pang panahon. Kung may asawa ka na, bumuo ka ng isang pamilya na magiging productive citizen ng mundo. Sana matupad lahat ng pangarap natin sa pamilya mo.

Sayang no, ndi nangyari yung kasal na pinlano natin! Siguradong sobrang ganda nun... kahit ndi man sa ibang tao... sigurado ko, sa ting dalawa, sobrang heaven ang feeling natin. Si Lord kasi... (manisi ba??? At si Lord pa sinisi).... ndi tayo nakapasa sa Will nya. O kung ndi man, napakadense nating dalawa, kasi kahit anong plano nya, ndi naman natin pinakikinggan.

Kahit ano namang mangyari, alam ko naman, ndi nya tayo pababayaan. Lalo ka na, lam mo bang palagi kitang pinagdadasal? Nun pa, mula pagpasok sa eskwela hanggang sa buhay mo ngayon. Lam kong ndi naman mawawala ang problema, pero lagi kong iniisip na nandyan naman Sya, pareho nya tayong minamatyagaan. Kaya hang in there, like I'm doing here.

May mga pinili tayo siguro na mas importante ng panahon na dapat naging tayo. Minsan, gusto ko ring magsisi pero andyan na yan. Ikaw ba nagsisisi? Palagay ko naman, may kanya kanya tayong tamang dahilan kung bakit ginawa natin yun. Tignan mo nga, kahit Sya, piniling igalang ang choices natin. Kung sakali man na nagiging dahilan yan ng minsan paglungkot mo, hamo na, lilipas din yan. Just get up, tayo na lang tayo uli.

O sya, hanggang dito na lang, hope your well.

Anonymously yours.

P.S. Naalala mo ba nung una tayong magkita? Hindi? Ah oo, ndi pa nga pala ano? Kasi minsang tumingin ako sa buwan, akala ko nakasabay kita. Blue moon pa naman nun. :)

Blue Moon
You saw me standing alone
Without a dream in my heart
Without a love of my own
Blue Moon
You know just what I was there for
You heard me saying a prayer for
Someone I really could care for
And then there suddenly appeared before me
The only one my arms will hold
I heard somebody whisper please adore me
And when I looked to the Moon it turned to gold
Blue Moon
Now I'm no longer alone
Without a dream in my heart
Without a love of my own

No comments: