Labels

 

Friday, February 02, 2007

Tsismosa

tapos na ba ang lahat
nangingitab na naman ang noo mong
kanina pa nga hinahagod
habang pinalilipas ang oras

ang dami mong reklamo sa trabaho
papetik petik lang naman ang alam mo
kaunting kaluskos lang ng amo
ang dami na ng satsat mo

inuubos mo ang oras
sa pagkalat ng kung ano-ano
tungkol sa kung sino-sino
puro tsismis lang ang lam mo

at pag wala ka ng masabi
titigil saglit
animo'y sa ginagawa babalik
pero hindi ka naman mapapakali
pagkat dila mo na nama'y kumakati

dahil wala ka ng masabi
parang trumpong umiikot ang pwet
tatayo na lang at mag-iikot saglit
maghahanap ng storya mong makulet

tumigil ka nga kaya't sandali
kahit isang araw walang kwentong ipilit
walang utaw na sinisiraan sa iba
walang among binabastos
walang sinasaksak sa likod
walang dinodoble karang tao

sa sobrang sanay mo
wala ka ng sinasanto
palibahasa'y nilulumot ka na sa ginagawa mo
tigas pa ng mukhang mong huminging dagdag na sahod

dumaan na ang isang siglo
tatlong taon pa at matatapos na rin ang isa
pero ikaw may pag-asa pa kaya?

balang araw babalik din lahat
bilog ang buhay, may padating na karma

No comments: