Labels

 

Saturday, October 14, 2006

Revolving Restaurant.... Sakay Na!

Na-convinced ko ang ilang friends to try Prima Tower one night last week

Dalawa actually ang alam kong revolving restaurant dito sa SG. Isa sa Mandarin, Orchard area, where they serve french cuisine and then Prima Tower where they serve beijing cuisine. Fine dining pareho.


Maganda sana pumunta sa original, yung sa Meritus Mandarin, at mas attractive sa kin ang view ng city kesa sentosa. Kaya lang madalas na kami sa Orchard. Plus, papunta kami ng Paris this November.

At hindi ako mahilig sa french fries.

corny.

So I decided to invite friends sa Prima Tower. After making sure na lahat ay available for dinner, I called to make reservations, which I usually do sa mga ganitong restaurant. Although, it was not a weekend day, you'll never know in Singapore. Adventuring on food kasi mostly ang libangan ng tao dito.

From making reservations pa lang though, Prima Tower is a refreshing find na dahil very friendly ang staff. Bihira yan dito. They treat both local and foreigners well. At very efficient. Kudos to Ivy who gave me a warm hello and a nice table.

So evening came, I said to Ivy na we'll be coming around 8ish. Pero mahirap ang access sa lugar nila kung wala kang kotse. Katulad ng mga known chinese resto dito, me pagkaweird ang location ng Prima Tower. After Harbourfront mrt station, kelangan mo pang tawirin ang dalawang building - Vivocity Mall & Power Grid - bago makarating sa kanila.

Pag nakita mo na yung lugar, parang abandoned warehouse ang itsura nito.
Pero sabel, ang mga kotseng nakaparada, jaguar at mustang. Ang gwagwapo.

Pagpasok mo sa restaurant, may isang aquarium na bubungad sa yo. 24 by 24 inches ata ang laki. Malalaki din ang isda, pero dahil ignoramus ako pagdating sa isda, ndi ko masasabi senyo kung anong klase. Ndi na rin ako masyadong tumitig dahil me pagkaguilty ang feeling ko sa kanila.


Balak ko kasi mag-sea bass, wehehehe.

Biro na nga ng isang 'igan ko, isa sa mga isda dun ang kakainin namin.

Wag naman.

Dalawang access lift ang napuna ko dito for the guests. Dalawang floor din lang ang pede mong puntahan, the first floor and nineth floor. Paglabas mo ng nineth, aakyat ka pa via escalator ng isang floor. At tapos nun isang paikot na staircase.

Nahilo na kami bago pa man makarating sa kakainan.

Pero pagdating naman sa taas, I just mentioned my name, at kahit late kaming dumating, accommodating pa rin ang staff. Manager pa ata yung nag-asikaso sa min. Galing.


Specialty nila ang Peking Duck at Shredded scallops. Kaso ndi to trip ng mga 'igan ko. Instead we opted for king prawns in chili sauce, steamed seabass (told you!), chopsuey rice, honey baked ham with buns and fried porkchops.
Isa-isa itong sinerve sa min. Kung mahilig kang magsabay ng rice sa food mo, medyo ito lang ang magiging downside for you dahil they don't serve it kaagad. Pero palagay ko pwede mong irequest pag order. Ndi ko na naisip ito dahil sa bawat lagay ng pagkain sa plato ko nalilimutan ko na lahat sa sarap. Daig ang jollibee!

Oo nga pala, just like in any fine dining restaurant, sineserve ang food ng staff right from the main bowl to the plate dito. Para kang prinsesa/prinsipe. Ngunguya ka na lang.

Humabol pa kami ng order ng chrysanthemum tea during the course. Sineserve ito by teapot. Dito lang ako nakatikim ng ganitong klase ng tea na masarap. Sa ibang nakainan ko na, ndi ako nasarapan sa chrysanthemum tea. Pero dito, mabango at matapang sya. I always go for strong tea flavors.

The view from the restaurant is just so-so. Mas maganda talaga sa City, with the lights and all. Karamihan pa ng building sa lugar ay ginagawa, including Sentosa (which by the way will have Universal Studios na in a few years) and Vivocity.

At ganun pala sabel ang revolving restaurant ano, minsan medyo nakakaliyo. Nung una, ndi mabilis ang ikot, pero pagkaupo namin biglang bumilis. Nakasakay na kasi lahat... parang merry-go-round.

All in all, it was a wonderful evening. Magandang adventure, kakaiba. You have to go there na me mga kasamang ndi nagmamadali at magaang pakisamahan. I enjoyed it because, bukod sa nice ambience & food, nothing beats choosing to bring good company. At ganun nga, walang tigil na kwentuhan at katatawanan ang nangyari.

You'll definitely go back for the food, more than anything else. Plus, Vivocity is just two-blocks away. May G-A-P na dito sa wakas! Golden Village Movie theatres inside Vivocity, I heard, is also phenomenal. Eto na ata ang magiging kalaban ng Cathay Cineplex.

So, you can go shopping, watch a movie or wonder around Sentosa then go to Prima Tower to end your day enjoying a nice dinner and a view of the sea.

Whapak!






No comments: