Da Vinci?
'Syado ng maraming nasangkutan ang libro na ito since it was published...
from the Baigent/Leigh vs Brown plagiarist case...
to the controversy over the film's soundtrack...
you can't help but wonder if it's all hyped.
ndi siguro naimagine ni Dan Brown na ganito kalaki ang resulting avalanche.
You know what the greatest lie here is? The Con of Man is for you to be convinced that this movie is big. Mas kontrobersyal pa ang Angels and Demons, as it relates more closely to recent times in the church. So what's all this hulabalou all about? Maraming pumatol ng irerelease na ang movie dahil biglang me mga call to ban the movie. Naturally, mas maraming nasangkot sa gulo.
Stripped away all these controversies, you'll get nothing but a common formula theme. Boy meets girl, comes into peril, goes to different places/countries for an adventure and then solves the mystery and saves the day. Me kaunting revelation pa sa ending ng movie. Sounds familiar? Oo sabel... katatapos lang ng MI:III.
Sabi ng self-righteous groups:
kelangan natin ipagtanggol ang christian faith...
kelangan wag itolerate ang pagbalahura sa ating simbahan...
Sagot ng iba: may karapatan kaming husgahan kung ano ang dapat naming panoorin at pakinggan.
So pano yan pareho silang tama di ba? Walang panalo... ay meron pala, si Dan Brown at ang distributor ng movie. Free publicity. maning mani ang over $224 million overall grosses.
Try reading Deception Point and Digital Fortress... halfway through these books, you'll see through the hype of Da Vinci. Compared nung libro pa lang ang Da Vinci, mas maganda pa ang resulta ng mga debate. People were inquiring about Christ, about the Christian faith, Opus Dei, the Priory, the knights of the templar. May patutunguhan ang mga pag-uusap. There was an opportunity to learn and increase awareness of the Faith. It wasn't about commercialism. Even the church at that time played it smart and cool, tahimik na pagliliwanag lang ang binibigay nila. Now, it's all about the box office. The millions of dollars Brown gained.
Just like in Richard Gere's Visa commercial... "but there's only enough for one bird.."
(side note:p.s.
-anak nung guide ni Gere yung magkapatid-girl na bumili ng ibon & boy na aalis
- tito nya yung me ari ng tindahan ng ibon
- at iba pang kamag-anak ang ibang nagtitinda...
- ang mga ibon, babalik sa me-ari pag pinalakpakan...
- it's such a small sleepy village...)
Me isa pa kong narinig na nagbato ng opinyon tungkol sa pagtanggap ni T. Hanks sa kanyang role... ganito ang takbo ng usapan nila :
SR1: Ba't ba tinanggap ni Hanks yang role na yan? *kunot noo*
SR2: Ndi ba nya alam na sa ginawa nya diretso na sya sa impyerno nyan? SACRILEGIOUS na rin yun eh... *palo sa mesa*
SR1: Ndi lang, ngayon pa lang pede na syang maparusahan. Ikakabagsak na ng career nya yan. Kakalaos na nyan yan."smirks*
Si SR1 pala nawalan ng trabaho. Sabi nya, me nagsabi sa kanya "magresign ka!". Ano kayang "sacrilegious" ang ginawa nya?
Quote of the day: Always guard against a harsh, fault-finding, and bitter spirit.
Related links:
Matthew 7.5 - u hypocrite... (read here).
Slanderous Judgment or Righteous Judgment (read here)
Cracking Da Vinci (read here)
Quote of the day: Always guard against a harsh, fault-finding, and bitter spirit.
Related links:
Matthew 7.5 - u hypocrite... (read here).
Slanderous Judgment or Righteous Judgment (read here)
Cracking Da Vinci (read here)
No comments:
Post a Comment