Labels

 

Thursday, June 07, 2007

Took my love, I took it down. Will the landslide bring you down?

Regressing mode.

Listening to some ol' songs. 90s to be exact. Ganito pala ang tumatanda. Hindi mo na alam kung ano ang definition ng "old". Sa generation ko kasi, pag sinabi mong old, 50s or 60s. Lately ko na lang narealize na sa panahon ngayon, kasama na sa old ang 80s and 90s.

Back to my playlist. I used to listen to this when I was in college. Some I listen to when I was starting my first job. Uist, sabay palang nagtratrabaho at nag-aaral nung college. Pero hanggang dyan na lang. Too much info na.

Medyo napahinto ko sa ginagawa ko ng biglang nagsalita si Kurt Cobain sa earphone. This was during the MTV Unplugged. Wow. Living the dead. Tinatanong nya kung sya na lang ba ang tutugtog nung kanta. Sabi ng bandmates sige ikaw na. Sabi nya o sige, pero gamitin ko na lang yung normal chords. Kung hindi magwork, eh maghintay na lang muna tong mga nakikinig.

Haay. I miss you Kurt. Sana hinintay mo na lang muna na mapanood kita bago ka nawala sa mundo. Masyadong naging mabilis matupad ang mga pangarap mo. Masyado ka rin nagmadali at nawalan ng gagawin sa mundo. Kung sana lang naging mas malawak ang perspective mo sa buhay, kung hindi ka na lang nakulong sa mundo, mas makikita mong marami pang posibleng pagkaabalahan dito.

Tamo si Rico. Nagsawa. Hayan, mukhang magiging pulitiko na lang.

Mas naging melodrama ang mood ng marinig ko na si Billy Corgan. Wow. Smashing Pumpkin. I remember hackling my friend for my monito gift. I literally drag him to the CD shop just to buy me Adore.

To think na mas nauna pa si Corgan magcontemplate ng suicide, noong sumikat ang Nirvana at naisip nya na palubog na sila.

And the greatest irony was Corgan was able to reverse his mindframe, practically living a period of his life in the studio to come up with another great album(Siamese Dream) while Cobain fed his melancholy by overdosing.

Oh Well.

Eto na lang. Magdidisect na lang ako ng kanta, Landslide ng Smashing Pumpkin. Mukhang eto ang nagiging theme song ng buhay ko lately.

Bababawan ko lang. Wag syadong seryoso.

Took my love, I took it down
Narealize na nainlove. Ng malaman, ginawa ang lahat para mamamatay ang love.

Climbed a mountain and I turned around
Parang isang malaking pagsubok na kelangang lampasan.

And I saw my reflection in the snow covered hills, 'til a landslide brought me down
Ayos na sana, wagi na sa lahat. Biglang may isang malaking pangyayaring binalik ako sa naramdaman.

Yaaiks. Jologs ata. Eh jologs kwentuhan naman to. So ok lang. Nakikibasa lang naman kayo. (^_^)


Oh, mirror in the sky, what is love?
Ano ba kasi tong nararamdaman?

Can the child within by heart rise above?
Kayanin ko ba, ganitong kulang pa sa karanasan?

Can I sail through the changing ocean tides?
Kaya ko bang sumuong sa kabilang direksyon ng unos?

Can I handle the seasons of my life?
Kaya ko pa bang salubungin ang iba pang darating sa buhay ko?

Well I've been afraid of changing, 'cause I've built my life around you
Ayoko na sanang harapin ang mga pagbabago sa buhay ko. Masyado kong nasanay na mabuhay ng may pag-ibig sa isip ko.

But time makes you bolder, even children get older, I'm gettin' older, too
Pero ngayong sinasalubong na rin ako ng taon sa buhay ko, mas kaya ko na kayang harapin ang pagtanda ko?
Tumatanda na rin ang mga bata. Tumatanda na rin ako.

Took my love, I took it down
Climbed a mountain and I turned around
And if you see my reflection in the snow covered hills, will the landslide bring you down?


At kung sakaling malaman mo, na pareho tayo ng nararamdaman,
Maging isang malaking paggising din ba sa yo ito?
parang isang landslide na ang impact tulad sa kin.
Kakayanin mo rin ba to?

o-ha.

No comments: