Labels

 

Tuesday, April 25, 2006

Gulong Ng Pulbo


Isa sa mga napuna namin dito sa trabaho, karamihan sa mga taong nag uutos ay gutom pag alas kuwarto. Ang mahirap nito, ginagawa nilang pantry ang lugar namin. Iniisip siguro na karamihan sa amin pinoy, na ndi nauubusan ng kutkutin at ndi pumapalya sa brayktym pagdating ng hapon.

Ganito ang istorya ni L--. Dinalhan ko sya minsan ng pulburon. Ibang klaseng pulburon ito, chocolated coated. Kung baga sa lahi, rare breed. Umaga ko ito pinamigay sa mga kasama ko, at dahil siguro busog pa si L-- at walang memeryendahin, inisip na lang nyang kainin kinahapunan ito.

Pagdating ng hapon, ganito na ang istorya. Nakatabi sa kanya ang kanilang amo, nakikipag ututang dila sa kanyang katabi. Notorious ang amo na ito sa paghingi... este pagkuha... ng pagkain sa lamesa mo, alukin mo man o hindi. (Sidenote: Minsang nag pudding ako at namigay sa mga kaibigan ko sa opisina, nasalubong ko sya, sinubukan na iwasan pero talagang hinarangan pa ko at ndi pinakawalan hangga't ndi ko nabibigyan ng pudding!).

Etong si L--, siguro'y nagkaron ng momentary lapse, nilabas at nilapag ang kanyang pulburon. Biglang me tumawag sa kanyang telepono. Sandali syang nalingat dahil sa pagsagot sa telepono.

Ito ay isang malaking pagkakamali. Para kang nag-iwan ng susi sa kotse na bukas ang bintana. O nag-iwan ng susi sa isang pinto na may automatic lock. True enough, pagkatapos iabot ang telepono sa isang kasamahan, bigla na lang sya natulala.

Ang kanyang amo, dinurog durog sa harapan nya ang pulbo, sinubo ang kalahati, nasarapan, sinubo ang lahat. Iniwan ang mumong natira sa kanyang lamesa.

Siguro mga minuto bago sya nakawala sa malaking shock at napa-email sa min.

ang sakit sa loob...nirereserve ko yung pulboron
para merienda ko ngayon...kinuha ko na sa drawer,
binuksan ko na, bigla may tumawag sa telepono kinausap ko, di ko namalayan
padating si reyna...biglang lapit at kinamay ang pulboron..hinati muna ng bare
hands, kumain, kumuha uli, this time inubos lahat, di man lang nagtira kahit
isang kurot.

Saklap.

At dahil dyan, inalayan ko na lang sya ng isang kanta.

Kung minsan ang takbo ng pulburon
Paguubos nito'y walang hanggan
Wag kang manimdim
ang buhay ay
Gulong ng pulbo, gulong ng pulbo
Ang may kapal marunong tumingin
sa taong naghirap at nasawi
bawat isang gabi ay mayroong
isang pulbo,isang pulbo
Gulong ng pulbo
ang buhay ay
gulong ng pulbo
ang kandunganang kapalaran
kung minsan ay
nasa reyna
haah (2x)
Kung minsan ang takbo ng
pulburon
paguubos nitoy walang hanggan
wag kang manimdim
ang buhay ay
gulong ng
pulbo, gulong ng pulbo

No comments: