Labels

 

Thursday, January 19, 2006

idolo

Yey! may blog na ang isa sa mga paborito kong writer/kolumnista, si Jessica Zafra (jessicazafra.blogspot.com). Kakapakinig ko lang ng podcast nya kahapon habang nag-uubos ng oras sa opisina (katatapos ko lang sa dati kong proyekto kaya as usual, bum na naman ako sa opis). tanda ko pa nun, sya ang pinakikinggan ko tuwing linggo sa KLite habang naglalaba. :) Inabangan ko nun ang guesting nina zenaida seva, dino ignacio at ng iba pa nyang mga kaibigan. Inabangan ko rin ang mga diskusyon tungkol sa Voltes V, kay Sting at kay Darna.Nabasa ko rin ang Twisted columns nya sa Today. Nasobrahan na nga ata ako nun dahil pati yung compilation books, pinatulan ko na.


Sa kanya ko unang narinig ang isang teorya sa pagsakop ng mga pinoy sa mundo. Ito ay sa pamamagitan ng pagdeploy ng mga DH sa iba't ibang panig sa mundo. Tagasilbi sa iba't ibang makapangyarihang tao. Darating ang panahon na magiging sobrang palaasa ang mga tao sa kanilang DH na kapag nagsagawa ng sabay sabay na strike ang mga DH na ito, mapaparalisa ang lahat. Hanep sa teorya ano, parang Da Vinci Code, sobrang convincing, you'll be hooked.

Madalas ko syang makita nun sa Megamall, minsan kasama ang kapatid nya, minsan yung kaibigan naman nyang nakasalamin at may dating shop sa basement (malapit sa skating rink). Kaso ndi ko magawang lumapit dahil madalas na syang nagwawarning sa listeners nya na ndi sya friendly.

Pero hindi na rin kasi importante yun, gustong-gusto ko lang talaga mabasa ang mga sinusulat nya. Madalas kong nagugustuhan yung pagbasa sa kanyang mga opinyon sa mga recent events sa pilipinas. Ndi kelangan malaki na news, basta may human interest, like MMFF scam, mga concerts, movies at latest sa music industry. Kahit kung minsan ay ndi ako pumapanig sa kanyang mga opinyon, madali pa rin para sa kin ang pakinggan sya o basahin ang kanyang kolum dahil sa galing nyang magsulat o maglawig ng kanyang gustong iparating.

Naalala ko tuloy yung isang article na nabasa ko tungkol sa pagsulat ni John Lennon sa kantang "A Day in the Life". Sabi nya, nagbabasa lang daw sya nun ng dyaryo isang araw ng mapuna nya ang dalawang news story: yung una tungkol sa isang mayaman na nagpakamatay sa kotse at yung isa tungkol sa 4000 butas sa kalsada ng Blackburn, Lancashire. O di ba, mundane na news tapos biglang may nabuo na isang kantang naging paborito na ng masa. galing!
  Balik tayo kay J. Zafra, ngayong nagsimula na syang magblog, tuwang tuwa ako na para bang fan ni Nora at Vilma, hehehe. Me mga bago na naman akong matutunan.

No comments: