Labels

 

Friday, July 11, 2008

Crossroads

Just a few minutes earlier, I was listening to Cranberries' Ode to my
Family. Before that I was cleaning my cupboard, saw my notebook na 4
years old na and read my early journal entries, addressed to some friends, back during the days na nag-uumpisa pa lang ako sa Singapore. Nostalgic. And before I loose this journal, maybe it's time to publish it.

*** tinginingnginingngining ***

It's been 4 years. Anniversary ko dito sa 24th. Ang layo na ng
narating nating lahat, alam nyo ba? Naalala ko na nung nagtratrabaho
tayo (at nagkukunwaring working students) sa isang kumpanya sa Pasig,
ang una kong binili sa sweldo ko eh album ng cranberries (at new kids
nyahaha). At habang naduduling na ko sa antok habang nagpro-proof
read ng entries tungkol sa iba't ibang klase ng wine at alcohol,
pinapatugtog ko ng paulit-ulit ang Ode to My Family.


Kaya pala medyo naninibago ko. Kasi nun, lagi tayong nakakulong lang
sa isang kwarto habang nagtratrabaho. At madaling araw pa, madilim sa
labas. Ngayon, habang sinusulat ko to at nakikinig sa Cranberries,
ang taas-taas ng araw.


At amoy beho ang katabi ko.



Nung nasa Cambodia ako, na-amaze ako sa simple ng buhay nila. Mahal
ang lahat. USD eh. Pero ang yumayaman lang ang mas mayayaman at
humihirap ang mga mahihirap.

Sawnds pamily?? =)


Nung nandun nga kami, sabi ng isang kasama ko "eh parang Pangasinan
lang to eh" (taga-Pangasinan sya). And yeah, it made me remember
those days na pumunta tayo dun. Yun na yun nga yun. Ahihihi.

Kulang na lang bagoong-isda, kamatis at kanin. Saka Karaoke na
singtaas ko ang speakers.


Aaahh…. At saka kambing ano? Hehe.

After that trip, tinatamad na uli ako sa work ko. Ano bang bago,
ganun naman ako lagi dibadibs? Hehe. Laging naghahanap ng change sa
buhay. Laging tumatakas sa commitment. Laging ndi mapirmi sa isang
lugar. Nag-iisip na nga ko kung ano pa bang ndi ko nagagawa na gusto
kong gawin pagtapos ng trip na yun.


Ah meron pa. Ang mag-missionary sa Africa. Ang tumalon sa Australia. Masunog ang balat sa Greece. Ang pumunta ng Seattle at makaututang dila ang Pearl Jam… (syet nahawakan ko na yung gitara ni Eddie Vedder, so kahit yung roadie na lang hehe).

Oo nga pla, alam nyo ba ng nasa Cambodia ko, nakasama ko sa sasakyan
at nakakwentuhan yung dating kainuman ng beer ni Sting?? o-ha o-ha o-
ha hehehe


Unhappiness. Where's when I was young and we didn't give a damn?
Coz we were raised to see life as fun and take it if we can.


Dose anyos ako nung naranasan ko ang first birthday ko na walang
children's party. Kakabalik pa lang kasi ng tatay ko galing Saudi. So nawalan na ng trabaho. Ayaw na nyang bumalik pagtapos kumayod ng madaming taon dun.

Masama ang loob ko. Kakapractice pa lang namin kasi ng barkada ko ng
sayaw para sa party eh. Tapos ndi pala kami sasayaw. Saka walang
spaghetti at putong madaming kulay. Walang bertdie cayk na may sanrio
(kiki & lala) na nakapatong sa icing. Tapos ndi tutugtog yung "I am
but a small voice… I am but a small dream" ni lea salonga sa cassette
player.


Nnndeeehh… walang ganun…hehehe…. Meron lang spaghetti at puto hehe.
Umupo ako sa gilid ng hagdanang bato ng bahay namin. Naalala nyo pa
yun? Kunwari nag-eemote eh. Ang batong yun, pag umupo ka at sumandal,
mapapatingin ka sa langit.

Wow. Ang ganda ng clouds. Blue na blue! (joookkkee)Hehe. Masingit lang talaga
Me dumaan na eroplano. Ang bagal. First time kong makakita ng ganung
eroplano. Yung parang nakasabit lang sya sa ere. Tinuturo ko nga ng
hintuturo ko yung buntot. Kunwari tinutulak ko. Ssuupppeerrggiirrl!

Tapos sabi ko sa sarili ko, sasakay ako dyan. Tatakas ako dito.
Pupunta ko sa ibang lugar. Makikipaglaro sa iba-ibang bata. Tuturuan
ko silang sumayaw ng Hangin' Tough!


Toink! Hayun biglang tapik sa kin ng lola ko, sabay sabi "anong
ginagawa mo dyan!! Kainit-init, maligo ka na nga dun!"

Tanghali na pla.

Nakakatuwa ang mga batang bagong salta dito ngayon sa Singapore. 23
years old. 24 years old. Puno ng pangarap. Puno ng plano. They made
me look back. Ang sarap ng nagsisimula pa lang at walang kamuang-
muang sa mundo. Sabi ko nga sa first journal entry ko dito, 2 years
lang ako mag-stay. Mag-iipon ng mabilis para sa mga bagay na minimithi,
gawin ang mga gustong gawin na ndi nagagawa ng nasa pinas pa. Sabi ko
rin , ndi ako makapaniwala na nandito ako. Biglaan nga pala ang pagpunta ko dito. Nagising na lang ako ng isang araw at nandito na lang ako. Kaya sabi ko rin, alam ko plano to ng Diyos. Kasi ako mismo hindi ko naisip na magugustuhan ko
dito. Ayaw ko nga dito eh. Pero kinailangan.


Kasabay ng pagdaan ng buhay (👈 naammaan!), unti-unti kong naintindihan kung bakit
ako nandito. Tulad nung nasa pinas pa ko, marami akong nakilala. Maraming buhay ang naging parte ako. Iba't ibang lahi, iba't ibang pinanggalingan. Noon ko pa nasasabi, ang daming dapat maranasan sa buhay. Pero dahil sa napakaikli ng lifespan ng
tao, the only best way to experience life is to connect with others.

Yang experience talagang yan, panalo. Love ko talaga…. parang
cheeseburger. Diba usually madali tayong maubusan ng cheeseburger?
Madami kasing me gusto. Pero dahil love na love mo, kahit sabihin sa
yo ng service crew na "mam/sir are you willing to wait for 15 mins?",
ready kang magsabi ng "yyeeess!!" kasi you know it's all worth it.

Kaya nga travel ang isa sa mga pinaggagawa ko. Travel = experience =
knowledge = wisdom. 




Dahil dito, nalaman kong gusto kong maging musikero dahil sa mga tao sa Paris. 


Nalaman ko na gusto ko maging potograpis (yung photographer na mahilig sa fish ahihihi!) dahil sa ganda ng Switzerland. 



Nalaman ko na mahilig ako tumingin sa mata ng mga bata dahil sa Cambodia. 


Nalaman ko na overwhelming ang bato, nakakaiyak, lalo na pagsingtanda na ng Rome.

At dahil dun marami na nga kong natuklasan - dahil sa
buhay ng mga taong nakakasalamuha ko. Sa mga taong nakikilala ko sa
bawat lugar na napupuntahan ko. Kaakibat kasi ng bawat hakbang mo sa
isang dayuhang lugar, ay ang kwento ng mga kasama mo. 


May na-rape nung bata pa. May nasa isang abusadong marriage. May naiwan ng magulang. May nagugutom at wala ng pera pero sige pa rin ang
pagtratravel-bahala na si batman!. May mga walang naranasan na
lungkot. May mga nalulungkot. May mga tao na nakadikit sa isang grupo
at tinatanggap ang lahat ng mali kahit alam nyang mali dahil wala na
syang mapupuntahan na iba. May mga tao namang mas gugustuhin pang mag-
isa kaysa makisama sa mali. May mga taong nakakulong sa paniniwala na
lagi silang tama. May mga taong naniniwala na ang tama ay ang boto o
opinyon ng karamihan.


At may mga taong ndi talaga natututo, na kahit ilang beses maputulan
ng tsinelas sa paglalayag, ndi pa rin maisip na magdala ng spare na
goma sa susunod na lakad.


Nalaman ko na habang patuloy ang ikot ng mundo, patuloy ang ikot ng
buhay. Minsan nga mas mabilis pa. Madaming nabibigo, madaming
nagtatagumpay. Pero sa kabila nun, bigo o tagumpay, meron pa ring mas
higit ang lungkot na katumbas. Madaming nagmamahal. Pero madami ding
bato. Lalo na sa templo.


Nalaman ko rin na even if you have all the best intentions in the
world, kahit sabihin mo pa sa pinakamagandang paraan ang nasa loob
mo, pag masama talaga ang gustong isipin ng isang tao, dala ng
inggit, galit, bitterness o ng kung ano pa mang ndi dulot ng mabuting
loob, meron at meron pa ring masasabi sa yo. Lalo na sa likod mo.

Wala ka ng magagawa dun. Pero alam mo na ndi na papantay sa dibdib ng
pato ang mga taong ganun. Sabi nga ng isang kaibigan ko, marami
talagang ampalaya sa mundo.


At ang kasamaan ay ndi tulad ng sa pelikula. Maraming maskara….
Layers and layers of it. Kelangan mong huminto at mag-isip ng mabuti
bago maintindihan na may mali. Na minsan, kelangan mong bumitiw para
makita ang kabuuan.


Oo nga pala… nalaman ko rin na mahilig ako sa "blue" clouds at iced
nescafe. =) Walang "blue" clouds. Imbento ko lang, pangbasag ng kwento sa isang grupo na nakasama ko sa Cambodia. Doon ko natutunan na madali lang makuha ang puso ng mga estranghero sa dalawang paraan: (1) pagkain (2) patawanin mo sila ... bonus points kapag at your own expense.


At baka pag nagkaamnesia ako, ang tanging makakapagpabalik ng alaala ko eh ang indonesian bbq chicken sa plaza singapura dito sa singapore.

Pero sa mga ngiti na nakita ko sa Cambodia, isa lang ang pinaalala
nito sa kin.


Miss ko na ang pinas. Ang buhay ko dyan. Ang mabuhay ng simple.
Makuntento sa kamatis, patis at kanin (Dito kasi puro chicken
noodles.). Ang mahiga sa hagdanang bato. At sumayaw ng "ooohh oohh
oohhh… hangin' tough!"


Me alok na nga kong magtrabaho dyan uli. Tanggapin ko pa kaya? Siguro
hindi muna. Kelan kaya ko uuwi? Kelan kaya matatapos ang kati ng mga
paa ko sa paglayo at pagliliwaliw? Kelan mawawala ang "sana" pag
napapanood ko ang Galapagos sa National Geographic? Pag nawalan na ko ng TV? =)


Sa pagdaan ng panahon, mas lumalim na ang mga bagay na hinahanap ko.
Malalim pero simple kaya lang parang ang hirap abutin.

Hindi ko rin talaga inaambisyon na mabuhay na matagal. Kaya
naiintindihan ko rin ang sarili ko *** pats m'own back*** . Ramdam ko
rin ang pagmamadali ko na malaman ang lahat sa buhay. Ang maranasan
ang lahat ng gusto kong maabot. Magagawa ko kaya lahat?


Linger na ang tumutugtog sa mp3 player ko. Naalala nyo pa ba yun?
Nasa bahay lang tayo. Me dalang mga gitara, nakikinig sa radyo. Naghihintay sa pinaupong manok na niluto sa dahon ng sampalok. Dala ko ang songhits ko nun. Kanta ng kanta –
"I swore I will be true.. so why were you holding her hand? Is that
the way we stand…. I'm in so deep… you know I'm such a fool for you.
You got me wrap around your finger, do you have to let it linger?"

Haay… Friday na. At 48 years na tong pagsusulat ko.

Peace be!